MERON PA.

kapag ba nalimot na ang mga petsa,
kapag ba wala na sa alaala,
kapag ba sa panaginip ay hindi na nagpapakita,
kapag ba hindi na naiisip,
kapag ba hindi na nakakapagsulat,
kapag ba hindi na nag-a-update ng blog,
kapag ba hindi na makaguhit,
kapag ba hindi na naluluha,
kapag ba hindi na binabati ng Merry Christmas,
kapag ba nalimutan na noong Bagong Taon,
kapag ba hindi na inaasam sa Valentine’s day,
kapag ba hindi na inuusisa kung saan nag-Holy Week,
kapag ba hindi na sinisilip ang Facebook,
kapag ba hindi na ini-stalk sa Twitter,
kapag ba hindi na hinihintay ang reply,
kapag ba hindi umaasa ng tawag,
kapag ba hindi na tinatanaw sa dating tagpuan,
kapag ba hindi na naluluha,
kapag ba wala ka nang pakialam,
kapag ba wala ka nang “nararamdaman”…

masasabi mo bang naka-move on ka na?
masasabi mo bang hindi mo na siya minamahal?
masasabi mo bang malaya ka nang talaga?

hindi kaya…
nagsisinungaling ka lang?
nagkukunwaring
wala nang nararamdaman?
binabaling
ang atensiyon sa iba
para lamang maging “ganap” na maligaya.

pero ang totoo
niloloko mo lang ang sarili mo.

sa katunayan
naroroon pa rin
ang sakit
ang alaala
ang pighati
ang pagluha
ang pag-aasam
ang pangungulila
ang pagmamahal.

at laging naroroon pa rin
kahit pa
tuluyan nang

mawala ka pa.

at naroroon pa rin
ang lahat

katulad ng aking pagluha
habang ang tulang ito ay aking kinakatha.

meron pa rin pala.

meron pa.

By kimberlygemcortez

Dance all Night.

1425730378941

You’ve gotta dance like there’s nobody watching, Love like you’ll never be hurt, Sing like there’s nobody listening, And live like it’s heaven on earth.” 

By kimberlygemcortez

Pag-ibig Nga ba to?

<

Siya yung lalaking di ko ka age, siya yung lalaking hindi mas matanda sakin, kundi siya yung lalaking mas bata sakin at may agwat kami ng isang taon.Sabi nga nila age doesn’t matter, kasi sa pag-ibig hindi tinitignan ang itsura, kasarian, estado at edad. Dumating  siya sa buhay ko ng di ko malaman ang dahilan. Siya ba ang susunod? Siya ba ang magbubukas ng nasaraan kong puso? Siya ba ang magmamahal sakin ng sobra? Ito ang ilang katanungan pumasok sa isip ko.Kasi ako yung babaeng sinaktan, binalewala, iniwan, at pinagpalit at ayaw kong maulet muli ang nangyaring iyon.Kaya’t pinag-isipan kong mabuti ang aking kasagutan sa katanungan niyang kung pwede ko ba daw siyang manligaw saakin. Ngunit ang sagot ko ay hindi 2013 nun. Sa sumunod na taon nanligaw ulet pero hindi kako ulet. At ngaung 2015 nagtanung  ulet pero sinabi kong hindi parin.

Hindi siya ung Ideal man ko.Hindi rin siya ung Dream boy ko pero bat ganun iba ung nararamdaman ko sa kanya. Dahil ba hindi parin siya tumitigil na kahit hindi ko payagan? Dahil ba usto niya ko kaya gusto ko narin siya? Hindi ee totoo to. Naiinlove na ba talaga ako? Hahayaan ko na ba ang nakaraan na limutin ko? Siya na ba talaga? Oo, Siguro, Baka, Pwede.

fotos_20150304113524-1

Gusto niya ko, Gusto ko siya. Mahal niya ko, Mahal ko siya. Ganun ang nararamdaman naming kahit hindi kame, ni wala kameng relasyon. Masaya lang kame kung anung meron kame.Basta naniniwala ako na kahit anung mangyari He will always here for me. At hindi magbabago tong nararamdaman ko sa kanya hanggat meron siya sa tabi ko. Is this Forever? Sana kasi sobrang bait niya, not a Bad Boy. My parents know him already nung bday ko.Nagbless siya sa mama’t papa ko. And the reaction is better than I know. At ang alam ko ito na ung simula ng bago kong Pag-ibig. At sana mananatili parin siya sa tabi ko. At sana hindi siya magsasawa at maghihintay parin sakin.

By kimberlygemcortez

Hi Ho Hi Ho, It’s Off to School I Go!

desh

Ano ba ang buhay sa Highschool? Sabi nila, It’s the happiest of all time in your life. Kasi sa 4 years na cycle ng life mo on this stage eh andito na raw ang lahat. Dito mo raw mararamdaman ang kakaibang tibok ng puso at kulay ng buhay, dito ka matutuwa, maiiyak, maiinlove, mapapaaway at makakakita ng mga tunay na kaibigan.

Kaakibat ng high School life ay ang ilang mga pangyayari at mga alaalang hinding hindi natin makakalimutan. Merong malungkot at merong masaya.

Ang buhay sa High School ay isa sa mga pinakaimportanteng yugto ng buhay ng isang kabataan. Ito ang panahon kung saan ang mga kabataan ay unti-unting lumalabas sa mundo ng kamusmusan at walang kamalayan. Nagkaroon ng kaisipan na ang kanyang buhay ay sagrado at may halaga. Nag-paalala sa atin na mayroong mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa atin. Mga taong tumulong upang tayo ay mahubog sa hulmahan ng kagandahang asal at gawi. Tinuruan tayong maging matatag sa bawat laban at karera sa buhay.

            Sa buhay High School ang panahon kung saan nabuo ang tunay na mga kaibigan. Dito rin unang nagmahal at natutong magpahalaga sa isang tao. Natuto din tayong makisalamuha ng maayos sa bawat indibidwal na nakakasama natin. Dito unang nakaramdam ng sarap at ligaya kasama ang mga taong tunay na nagbigay sa’yo ng kahulugan. At dito dumating ang mga puntong iisipin mo na hindi mo kaya kapag nagkahiwa-hiwalay kayo.

 Sa loob ng apat na taon kong pag-aaral sa High School, sigurado ako na ang mga karanasan ay nagbigay ng pagpapakahulugan sa akin.

Noong 1st year ako, isa akong batang masayahin at may pagkamasungit daw. Nakikisalamuha ako, mahilig mamansin nun sa mga kaklase ko at parating nakangiti. DITO AKO NAGSIMULA. Sapat sa pag – approach at Sapat sa pakikisalamuha. Ito din ang mga panahon na sobra akong nag –aaral. Masipag pa ko nun dahil may paki-alam ako sa buhay ko, dahil ang alam ko ay mabuhay sa mundo kung saan puro Pag-aaral. Tumakbo rin ako Bilang representative pero hindi ako nanalo.Dito ko rin naranasang sumali sa Ramp Model pero hindi ulit ako nanalo. Sabi nga nila Sali lang ng Sali, kasi masaya ang pagkakaroon ng experience sa buhay High School. At lahat ng yun napalitan ng Kasiyahan dahil naging Top 7 ako .

 Noong 2nd year,        Dito ko mas nakilala ang mga kaibigan ko.Dito mas naging Active ako sa mga activities sa mga school.Sumali sa mga sayaw na kaakibat ng aking Talento.May pakialam sa lahat ng bagay.Dito ko din unang naranasan ang pagtibok ng Puso ko,nagmahal ako at nagkaroon ng 1st Boyfriend pero dito din nasaktan. Dito din nagkaroon ng Hidwaan o Awayan sa pagitan Ng Sampaguita nagkaroon ng dalawang grupo ang klase TagaCentro Vs. Baryo at nadagdagan pa ng dalawa hanggang naging apat . Nagsumbatan ,nag iyakan hanggang nagkabati at mas lalong lumalim ang samahan at dito mas naopen ang kaisipan namin na nagkakaroon ng iisang grupong VibesGang. Dito nagpapasalamat ako dhil Top 8 ako.

 Pumasok ang 3rd year ng buhay ko. Unti – unti ng naging seryoso ang bawat pangyayari. Ang karamihan ay naging matured na mag-isip at kumilos. Ibang iba na ang mga tao sa yugtong ito.

Sa mga panahong ito ko natutunan na ang buhay ng mga taong nasa aking paligid ay MAHALAGA. Dahil sila ang mga maari mong lapitan sa oras ng ikaw ay lugmok sa problema.

Dahil katulad mo din silang nangangarap at may gustong maabot at may mapatunayan sa buhay, at pag dumating ang oras na naabot na niyoang pangarap.

SILA ang isa sa mga pwede mong maging daan para makamtan mo din ang minimithi mo sa tulong ng pwede nilang maibahagi at maitulong sa buhay mo.
Panatiliing maging mabuti, kahit kanino man kahit saan man
  Ito marahil ang pinakahiglights ng mga natutunan ko. Sa panahong ito kasi ako nagkaroon ng maraming kaibigan. Naging close ko yung mga taong hindi ko inaasahan na magiging parte ng aking buhay. Marami din akong naging kaibigan sa iba’t ibang section. Dito ko naramdaman ang kahalagahan ng buhay ko. Mula sa mga taong tunay na nakakita sa positibo kong katangian at sa mga taong nakakilala sa tunay kong pagkatao.Dito sobra kame kung sumali ng mga kaklase ko,nakikipagpaligsahan,at nasisiyahan sa bawat aming nasasalihan pero nalulungkot din kame nung dumating ang aming pagkatalo.Dito ko naranasan ang sumali sa labas ng paaralan.Sumali ako sa Bato Art Festival at dahil sa mabuting pag eensayo naming kami’y nanalo at narepresent ang Bayan ng Luna. Dito ko din nakilala si Joko J (Inlab manen.Jk.)Haha.Syempre dito natin naranasan ang JS Promenade pagkakaroon ng 1st and last dance.Na naging Dancer of the Year ako.Wow naman J Sge wala na akong maisip.

Dumating na ang 4th year ko sa high school. Grabe, ito ang panahon na hinding hindi ko makakalimutan. Dito mas lumala ang mga tawanan, pagmamahalan, bonding, at iba pa. Marami akong naranasan sa panahon ito na sigurado akong magiging dahilan ng pag-iyak ko sa pagtatapos namin. Dito mas ginusto kong maging masaya sa mga huling panahon na magkakasama kami. Ito na ang ikaapat na taon na magkakasama kami kaya hindi na naming pinalalampas ang bawat sandal at oras na dumadaan sa aming buhay.

Sa ugali ko naman, mas lalo akong naging matatag sa buhay. Mas lalo akong nagkaroon ng positibong pananaw sa bawat bato na natatapakan ko sa aking dinaraanan, mga tuksong nagpapabagal sa aking paglalakad, at sa mga taong bumabangga sa akin. Mas natutunan kong pahalagahan ang kung ano ako kaysa sa sasabihin ng iba.

Ang bilis ng panahon. Onti na lang, matatapos na ang buhay ko sa High school,magkakahiwalay na kami ng mga kaklase ko(POOR-NARRA). Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na tumungtong sa yugtong ito. Nagpapasalamat ako sa mga karanasan at mga aral na pinunla ng mga taong nagnanais na magkaroon ako ng magandang kinabukasan. Sa mga taong tumulong para maabot ko ang hagdanan para sa aking mga pangarap, sa mga taong naging malapit sa aking puso, sa mga kaklase kong hindi ko makakalimutan, sa mga kaibigan ko na napagsasabihan ko ng problema, sa mga guro na humubog sa aking pagkatao at nagturo sa akin ng tamang paggalaw sa mundo kung saan hindi lang dapat sarili ko ang iniintindi at sa kanila na minsan ding nangarap na ako ay magkaroon ng maayos na pamumuhay.Salamat kay Kevin na parating andyan na nagiging oa para pasayahin kame.Salamat kay Roxanne na super genius dahil sinusubaybayan niya kame at tinutulungan.Salamat kay Kateleen na naging mabait at minsan makulet.Salamat kay Zyra kasi nagkaroon kami ng mabuting samahan sa pagsasayaw.Salamat kay Kateclaire dahil sa mabuting pinakita niyang totoong ugali niya.Salamat kay May-anne na minsan nagpapasaya dahil sa boses niya.Salamat kay Melanie kasi magkasama kami parati sa mga biyahe.Salamat kay Leo na walang hinangad kundi pasayahin kame.Salamat kay Liera na katulong naming sa Pagkocorrect ng grammar. Salamat kay Jemih na parating kasama sa pag-uwe.Salamat kay Kisha dahil nagpapahiram siya ng Laptop.Salamat kay Valerie kasi nagpapahiram ng Salamin.Salamat kay Nicole na parati kameng pinapatahimik pag nagjojoke siya. Salamat kay Karina na parati akong nililibre .Haha at kabaitan niya. Salamat kay Jemaima sa kabaitan niya.Salamat kay Leslie kasi tinutulungan niya kame sa pagsolve.Salamat kay Vivien ng sobrang laki ng puso. Salamat kay Cj na parating andyan para pagSelfian ang Cp niya. Salamat kay Devaney kasi kinocorrect din niya Grammar ko.Salamat kay Joshua na sobrang tahimik at pinagpupuyatan research naming. Salamat kay Hannah na parating katabi ko at tinuturuan ako.Salamat kay Honeyleth na parating andyan na pinagkwekwentuhan ko about love.Salamat kay Rakhel na parating kasama ko sa pagnenet.Salamat kay Estefano kasi nagtitiyaga siya kahit pinapagalitan ko.Salamat kay Judy na always nagtatarintas saakin.Salamat kay Andrea na parating masaya at sumasaya na din kame.Salamat kay Muriel dahil kame parati ang magkasama sa pagsasayaw.Salamat kay Sunshine na sobrang galing sa pagkanta. Salamat kay Zeny dahil kasama naming sa Chismis.haha.Salamat kay Glaiza na sobrang nagpapaprint ng Filipino naming .Salamat kay James dahil mapagmahal siya sa lahatJ. Salamat kay Mam Mona na kahit di kami sumusunod minsan ee andyan parati siya para sa amin.Salamat din sa magulang ko na parating sinosoportahan ako.Salamat salamat ng walang sawa. At lahat ng High school walang limutan 10 months na kulitan, 40 weeks na kasiyahan, 205 days na asaran,1,435 hours na biruan, 86,100 minutes na kopyahan ng assignments, 5,166,000 seconds na tawanan, pero lahat yan babawiin ng 1 araw na iyakan sa Graduation HUHU.Di na experience kwinento ko kundi puro pasasalamat nalang.Haha.Dito sa 4th year kong buhay sobrang dame ng sinalihan sa loob at labas ng paaralan At  lahat ng to mananatili sa puso’t isipan ko.

Sge madrama na ako.Haha Babye na

By kimberlygemcortez